Wednesday, 19 Jun 2019

Quotes para sa mga taong binabalewala ka nila

quotes para sa mga taong binabalewala ka

Nung nagmahal ako, I believed in everything! Love at first sight, happy endings, destiny, fairytales and even magic. Pero nasaktan lang ako! Tama nga sila, no? No word could ever define love kundi katangahan!

 

 If sometimes my text comes in the wrong time, sorry for the disturbance. And when your phone beeps only to find out it’s me, I hope you’re not disappointed. Naaalala lang naman kita, eh. May masama ba?

Ang pagkakaibigan ay parang sugal. Ipaglalaban mo’t ipapanalo para magtagal. Pero kung sakaling matatalo na ko, dadayain ko na sila para di ka nila makuha! Aba! Ikaw yata ang nakataya.

Do you know the expression “wala lang”? It’s the subconscious mind’s way of saying “I miss you”. Do you know why I’m telling you this? Kasi wala lang.

Ang pagmamahal daw ay parang laruan. Kapag bago pa lang, mahal na mahal at haLos ayaw ipahiram sa iba, ayaw pahawakan at ayaw pakawalan. Pero ang masama, iniingatan nga, paulit-ulit namang pinaglalaruan.

Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sayo. Lalo na at wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.

Kailan ako makakatakas kung bawat pagpikit, siya ang nakikita ko? Sa bawat pagkanta, siya ang inspirasyon ko? Sa bawat pagtawa, ngiti niya ang naaalala ko? Sabihin mo nga sakin! Paano ko siya kakalimutan kung siya ang bumubuo ng buhay ko?

Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayun ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?

May nagtanong sakin kung sino daw ang mahal ko. Tumingin ako sayo, nasa isang sulok ka, nag-iisa at nakangiti. Tinawag kita, “Hoy! Mukha kang tanga diyan! Lapit ka nga dito at ipagmamalaki kita!”

Minsan ang sinasabi ng isip, iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin, nalilito! Hindi malaman kung alin ang dapat sundin. Ang isip na nagsasabi ng dapat? O ang pusong nagmamahal ng tapat?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *